"Bakit gano'n? Ang lalaki kapag binigyan niya ang pamilya niya ng pagkain, damit, bahay, tapos napag-aral niya ang mga anak niya, agad sasabihin ng mga tao, 'aba mahusay siyang ama'. Pero kapag babae ka, kahit ibinigay mo na ang lahat ng 'yun sa mga anak mo, kasama pa pati puso at kaluluwa, parang hindi pa rin sapat na tawagin kang mabuting ina."
Sa panonood ko ng pelikulang Anak, itong mga linya na 'to ni Josie ang talagang tumatak sakin. Bakit nga ba ganun? Siguro dahil nasanay tayong mga Pilipino na ang ina ay dapat nasa bahay lamang, nag-aalaga ng mga anak, nag-aasikaso ng asawa at gumagawa ng mga gawaing-bahay. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malapit sa pamilya. Ipinakita sa pelikula na kahit na nagagawa rin ng isang babae ang mga bagay na kayang gawin ng mga lalaki, mas mahalaga pa rin sa mga anak na makasama nila ang kanilang ina.
Sa pelikulang ito, walang naging boses ang mga kalalakihan at sa paraan ng pag-arte ni Rudy ay inilalarawan niya ang pagiging mahina ng mga lalaki. Nakatuon lamang sa mga babae ang pelikula at pinagkumpara sila. Makikita ito sa eksena ng tatlong magkakaibigan na sina Josie, Lyn at Mercy habang umiiyak si Josie. Dito ipinakahulugan ni Lyn na walang naging "pakinabang" si Rudy sa kanilang pamilya kaya napilitang umalis si Josie at mangibang-bansa. Kahit na nakatuon sa mga babae ang pelikula, ipinapahiwatig pa rin nito na parang napakalaking issue kapag babae ang nagkakamali, lalo na kapag isang ina. Samantalang kapag mga lalaki ay natural na lang.
Kahit na magkakaiba ang sitwasyon ng mga buhay ng tatlong magkakaibigan, iisa lang ang dahilan kung bakit sila umalis ng bansa, para magtrabaho at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang kani-kaniyang mga pamilya. Ang sitwasyon ay makikita rin sa totoong buhay dahil alam naman nating lahat na mas malaki ang kikitain sa ibang bansa kaysa dito sa Pilipinas lalo na kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral.
Si Carla na bukod sa nalulong sa droga at batang naging malaki ang galit sa ina ay salamin ng isang tao na kinain na ng poot ang puso at hindi na nagawang respetuhin ang iba lalo na ang sarili. Ngunit sa huli ay natuto nang makinig at magpatawad. Si Michael, kahit na walang masyadong dialog ay makahulugan ang mga reaksyon ng mukha. Si Daday naman ay inosente pa sa mga bagay na tama at mali ngunit nararamdaman ang pagmamahal ng ina.
Sa kabuuan ng pelikula, may mga pagkakataong nakakalito ang takbo ng mga pangyayari dahil walang masyadong ginamit na effects kapag may flashback. Isa pa, may mga eksena na masyadong matagal ang gamit ng shot at walang masyadong palitan ng anggulo kaya medyo nagiging boring. Kadalasan ay sa kung sino lang ang nagsasalita nakafocus ang kamera at mapapalitan lang ito kapag iba na ang nagsalita. Konti lang ang ginamit na musika pero dahil sa ilaw ay naibigay din naman nito ang emosyon na dapat maramdaman ng manonood.
Sa galing ng pag-arte ni Vilma Santos, napaiyak talaga ako at lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na iba talaga magmahal ang isang ina. Kahit na anong mangyari, hindi matitiis ng isang ina ang kanyang anak. --- BAB

What is a All Tall Small Craps Card Game? 우리카지노 계열사 우리카지노 계열사 bet365 bet365 3347Bet on prop bets super bowl printable
ReplyDelete